Barikada (OST)

by Karl Ramirez

/
  • Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

     $3 USD  or more

     

about

Barikada is a song and musical score project for Tudla Productions' independent short film of the same title. This version of the song was performed with an acoustic guitar, piano, and a little bit of orchestra. Details of the short film here: tudla.org/content/barikada-2011-trailer

lyrics

Koro:

Dahil hindi kami papayag na inyong baklasin
Ang aming mga tahanan
Nagkakaisa kaming lalaban

'Di hindi kami papayag na inyong baklasin
Ang aming mga pangarap
Nagkakaisa kami
Nagkakaisa kami
Nagkakaisa kami

I

Maari pa bang makausap
Ang taong may pakana ng lahat ng 'to

Nais sana naming ipakita
Mahal naming munting tahanang
Wala masyadong ari-arian

Baka sakali namang kayo ay maawa
At ipagpaliban ang pagsira
Sadya na bang pera ay mas matimbang?

Paano naman po kami
Basta nalang isasantabi
Wala ba kayong pakialam
O sadyang nagbulag-bulagan?

(Ulitin ang Koro)

II

Mahal namin ang lugar na ito
At payapa naming buhay
'Di ba't kayo ang gumugulo?

(ulitin ang buong stanza)

'Wag na kayong umasa pa
Na mapapaalis ninyo kami ng kusa
Anuman ang mangyari sigurado kami

Sa pagkakaisa
Matatag ang laban diba?
Manalo o matalo
Hindi kami susuko

(ulitin ang Koro)

III

Maari pa bang makausap
Ang taong may pakana ng lahat ng 'to?
Nais naming ipaalam
Na kami'y nandito
Handang handang handang handang
Lumaban!

credits

released October 10, 2011

tags

license

all rights reserved

about

Karl Ramirez Philippines

Karl Ramirez is a Filipino singer-songwriter and activist-musician. He writes socially relevant music in pop, rock and electronica.

contact / help

Contact Karl Ramirez

Streaming and
Download help