Makibaka (Selected Songs)

by Karl Ramirez

/
  • Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

     $5 USD  or more

     

1.
05:22
2.
03:34
3.
4.
5.
6.

about

Makibaka! Rakenrol Tungong Pagbabago (Struggle! Rock n' Roll Towards Change) is my first compilation album. The limited CD edition containing 17-tracks which we released last August 2011 is available for sale at the IBON Bookhop, 114 Timog Avenue, Quezon City, Philippines.

The limited CD Edition include songs written by Dreamworker Too - "Balang Araw", "Oyayi" (co-written with Leoncio Bagani), and "Kapit-Bisig sa Pagbabago" (performed with Walkie Mirana), Danny Fabella - "Song of the League", Yen and KARATULA - "Sobra-Sobra", Empiel Palma - "Mananatili Ka", and songwriter-activist and political prisoner Ericson Acosta - "Dahil".

All of the songs are free to stream and download at www.facebook.com/karlramirezmusic But downloading here in BandCamp will go a long way in supporting this makabayang OPM artist. Maraming salamat po!

credits

released August 16, 2011

tags

license

all rights reserved

about

Karl Ramirez Philippines

Karl Ramirez is a Filipino singer-songwriter and activist-musician. He writes socially relevant music in pop, rock and electronica.

contact / help

Contact Karl Ramirez

Streaming and
Download help

Track Name: Makibaka
Hinding hindi magagapi pakikibaka nating nag-aalab
Parang bulkang sumasabog natin tatapusin pagpapahirap
Hinding hindi tayo bibitaw sa ating paninindigan
Tayo ang magpapalaya sa ginahasang lipunan

Handa na ba kayo?
Halina at sumama!
Handa na ba kayo?
Halina at sumama!
Manindigan. Makibaka!

Hinding hindi aatras ang bayan nating lumalaban
Lalo at dumadami ang hanay nating naninindigan
Hinding hindi tayo susuko sa ating pakikibaka
Ang tunay na pag-unlad ay makakamit lang kung ang bayan ay mapalaya
Track Name: Elian
Ipikit ang iyong mata, ipahinga ang isip
At paghandaan magagandang panaginip
Tandaan mong kayrami pang umaga na
Hinihintay ka kaya matulog na muna

Alam naming mahirap ang daan
Pero wag na wag kang kakabahan
At sa iyong pagpili ng kapalaran
Sana'y matandaan:
'Wag pumanig sa mapang-api kailanman
Track Name: Desap (Acoustic Session)
Lumilipas ang gabi
Abang ang pagdampi ng labi kahit sandali
Kahit sandali

Nangungulila man ang pusong naiwan
Alam naming wala kayong kasalanan

At hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Sa paghahanap sa mahal namin anak,
Magulang, kaibigan, asawa, kasama
Hanap namin sila

Nangungulila man ang pusong naiwan
Hangad ng damdamin ay katarungan

At hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Sa paghahanap sa mahal namin anak,
Magulang, kaibigan, asawa, kasama
Hanap namin sila

At hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Hindi kami susuko
Sa paghahanap sa mahal namin anak,
Magulang, kaibigan, asawa, kasama
Hanap namin sila

Hanap namin
Hangad ng damdamin

Oh

Hangad ng damdamin ay hustisya
Track Name: Alagaan ang Kalikasan
Napapansin nyo bang nagbabago
Ang ikot ng ating mundo
Tuyong tuyo ang tag-ulan
At binabaha naman ang anihan

Nagagalit ang kalikasan
Dahil sa problemang dala ng kasakiman
Ano ba ang pwede ko at pwede nating gawin?
Kabuhayan ba'y maari pa bang sagipiin?

Paano pa ba makaliligtas
Kung tubig baha sa amin 'oy kay taas
Pambihirang kalagayan nga ba ang ating binabangga
Makaligtas pa ba?
Ano kaya?

Nagpapapansin ang kalikasan
Halina at ating balikan
Sama-sama nating alagaan
Upang panganib ay ating malampasan

Nagpapapansin ang kalikasan
Halina at ating balikan
Sama-sama nating alagaan
Upang panganib ay ating malampasan
Track Name: Makabayan, Palaban
Hinamon niya ang bangis ng batas militar
Makulong man at pahirapan, 'di sumuko sa laban
Kasakasama siya ng masa sa lahat ng pakikibaka
Hindi tayo iiwan, maninindigan, tunay na makabayan

Kung para sa bayan, lagi siyang maaasahan
Kailangan ay pagbabago, lingkod na tapat sa tao

Buong panahong naglilingkod sa taong bayan
Hinding hindi natakot, anuman ang panakot, at dahas ng kalaban
Walang sawa sa pagtatanggol ng tama at totoo
Walang alinlangan sa hirap ng laban, ganyan ang makabayan

Halina at samahan, magkaisa sa bagong laban
Kumilos na tayo, isulong ang pagbabago

Makabayan! Palaban! Satur Ocampo (2x)

Handa kaming ipaglaban, ang inyong paninindigan
Bihira ang tulad nyo Ka Satur, Satur Ocampo

Makabayan! Palaban! Satur Ocampo (2x)

Halina at samahan, tara maglingkod sa bayan
Kumilos na tayo, isulong ang pagbabago

Makabayan! Palaban! Satur Ocampo (4x)

Ka Satur pagpupugay po!